Ni Annie Abad

CAGAYAN DE ORO CITY -- Dinomina ng Host na Cagayan de Oro City ang labanan sa Semifinals ng Mindanao leg ng presitihiyosong PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup nitong Sabado na ginanap sa Macasandig covered court dito.

Unang nagpakitang gilas si Jessa Lycca Caranagan sa tropa ng CDO ni Mayor Oscar Moreno matapos nitong pataobin ang kalaban na si Ralph Chein Sevilleno ng Malungon, Sarangani Province sa pamamagitan ng unanimous desicionsa Junior Girls light flyweight (48 kg.) division.

Ito ang unang pagkakataon na sumabak sa boxing si Caranagan matapos na madismaya nang hindi makasali sa Palarong Pambansa para ngayong taon sa Vigan upang maglaro sana sa track and field.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Masaya po ako kasi hindi ko po akalain na mananalo ako. first time ko po ito at ngayon makakasali po ako sa finals,” ayon sa 16-anyos na si Caranagan.

Kasunod nito ay nagbigay din ng karangalan ang isa pang CDO native na si Elaide Pamisa na nagwagi kontra sa pambato ng General Santos City na si Jeane Raciel Boloy sa pamamagitan din ng unanimous decision.

Ikinasiya naman ni coach Elmer Pamisa ng CDO ang tagumpay na ito ng mga manlalaro niya na nakatakdang sumabak sa Mindano Finals na gaganapin sa Davao City ngayong darating na Abril.

Iba talaga kapag may programa. malaki ang pasasalamat naming sa aming Mayor na si Mayor Moreno na laging nakasa suporta sa amin,” pahayag ng coach na si Pamisa.

Kabilang sa mga nagbigay ng ka panalo sa CDO ay sina Peter John Payla (44-46 kg.), Mark Lester Durens (48 kg.), John Erl Palivino (50 kg.) at Dave Bryan Caspe (54 kg.) sa Junior Boys event habang sina John Ignatius Macas (52 kg.) at John Paul Panuayan (60 kg.) ay nag ambag din para sa Youth Boys Division.

Bahagya naman na nagkaroon ng pag alala matapos na ma knockout ni Rhonan de la Pena ng Genral Santos City sa 1st round pa lamang ang kalaban nitong si Jeesly Batiancila ng Polomolok.

Halos hindi makabangon sa sobrang hilo ang kalaban ni de la Pena na si Batiancila matapos na matyempuhan niya ito sa panga kung saan agad naman na umagapay ang tropa ng medical team para bigyan ng first aide ang batang boksingero.

Nagwagi naman ng tig tatlong panalo ang Digos City at Malungon Sarangani Province sa nasabing torneo habang ang Sultan Kudarat at General Santos City ay nakakuha ng tigalawang panalo.

Awtomatikong nakakuha ng bronze medal ang mga nabigo semifinal round na ito, habang ang mga nagwagi naman ay may tsansang makakuha ng gintong medalya sa Mindanao finals.