Stage One, natapos sa four-man finish; Morales, kumuha ng red jersey

riding copy

VIGAN, Ilocos Sur — Sa unang aryahan, ipinadama ni Sgt. Alvin Benosa ng Philippine Army-Bicycology Shop, ang intensyon na pigilan ang kampanyang ‘three-peat’ ni Navy-Standard Insurance Paul Morales.

Magkasama sa lead-packed mula simula hanggang dulo ng 40-kilometer Stage One Criterium, magkasabay na tumawid sa finish line ang dalawang premyadong siklista kasama sina Navy Ronald Oranza at George oconer ng Go-for-Gold kahapon sa Calle Crisologo dito.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Parehong tyempo ang nailista nina Oranza, Morales, Benosa at Oconer – 1 oras, 11 minuto at 22 segundo – ngunit, nakuha ng una ang Stage One title sa gabuhok na bentahe sa ratratan sa finish line.

“Medyo nakauna na ako, pero napapreno ako sa pagpasok sa korner ng finish line dahil inabot ko na yung ilang rider na na-overlapped namin. Okey lang atleast podium finish tayo,” pahayag ng 27-anyos na si Benosa, tumapos na ikatlo.

Ikalawa si Morales at ikaapat si Oconer.

Kasama rin sa lead pack si Jonel Carcueva ng Go for Gold, ngunit, kinapos sa huling hatawan para makarating na ikalimang rider sa tyempong 1:11.22

Sa kabila nito, nakuha ng 32-anyos na si Morales overall dahil na nakuhang 15 segundong bonus points nang pagbidahan ang dalawang intermediate sprints.

Suot ni Morales ang LBC red jersey – simboliko ng pangunguna – sa pagsikad ng Stage Two 155.4km Vigan-Pagudpud ngayon tangan ang overall time na 1:11:06, tatlong segundo ang abante kay No. 2 Oranza (1:11:09) sa cycling marathon na itinataguyod ng LBC sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling

Nakabuntot sina Oconer, Benosa at Carcueva na may oras na 1:11:17, 1:11:18 at 1:11:22, ayon sa pagkakasunod.

Nasa top 10 sina Team Franzia’s Leonel Dimaano (1:12:45), Navy-Standard’s Junrey Navarra (1:12:45), Go for Gold Developmental team’s Ismael Grospe, Jr. (1:12:45), Navy’s Rudy Roque (1:12:52) at Bike Xtreme’s James Ferfas (1:12:52).

“It’s always nice to start the race on top,” pahayag ni Morales.

Sa kabila ng kaganapan, kumpiyansa ang Army Sergeant na si Benosa mula sa Iriga City, na makakasabay sa laban sa mga susunod na stage.

“My best finish in a stage last year was fourth so I’m happy to finish third here,” pahayag ni Benosa, tumapos na 17th overall sa nakalipas na season.

Hindi naman nakaporma sina two-time champion Santy Barnachea ng Team Franzia, 2013 titlist Irish Valenzuela ng CCN Superteam at last year’s third placer Pfc. Cris Joven ng Army-Bicycology Shop.

Tumapos ang 42-anyos na si Barnachea, kampeon noong 2011 at 2015, sa ika-36 puesto, halos dalawang minuto ang layo sa lider, habang No.18 si Valenzulea at nasa ika-56 si Joven.

Sa team competition, nasa unahan din ang Navy na may oras na 4:48:19 kasunod ang Go for Gold (4:48:33) at pangatlo ang Army-Bicycology Shop (4:150:17).

Tumataginting na P1 milyon ang naghihintay sa individual champion at P150,000 sa team competition.

Sisikad ang Stage Two ngayon simula sa Laoag City, Ilocos Norte at magtatapos sa Pagudpud Municipal Hall.