Ni Annie Abad
MANANATILI ang kasalukuyang ‘allowance scheme’ ng mga atletang Pinoy hangga’t hindi pa naisasapinal ang ilang rekomedasyon sa naganap na pagpupulong ng Philippine Sports Commission (PSC) at mga National Sports Association nitong Miyerkules sa PSC administration building.
May P45,000 ang natatanggap ng mga mga atleta sa grupo ng Platinum na kinabibilangan nina Rio Olympics silver nedalist Hidilyn Diaz, Rhea Marquez at Julius Obera ng Dancesports, bowling world champion Krizzia Tabora.
Kabuuang P40,000 naman ang matatanggap ng mga atleta sa class A na nakakuha ng medalya sa World Championship at ginto sa Asian Games, habang ang SEA Games gold medalist at ang silver at bronze medalists ng Asian Games naman ay makakauha ng P30,000 kada buwan na allowances.
Para sa Class C, na ang kategorya ay SEA games silver at bronze medalists at SEA Championships.
Ang mga invitational at open medalists naman kasama ang dating medalists at mga nagbabalik na mga medalists ay mapapabilang sa training Pool A at tatanggap ng sampung libong piso.
Iginiit ni Diaz na marapat na maresolba ang iyu sa allowances dahil nakabatay din dito ang mga kabuhayan ng mfa atletang Pinoy.
Ayon kay Diaz, hindi umano sapat ang dati’y anim na libong piso para sa isang atleta na gustong magpursiging makakuha ng medalya sa mga kompetisyon, gayung kailangan ang bitamina na ipinamimigay para sa mga atleta.
“Ako po may sponsor pagdating sa vitamins, e yung mga hindi po medalist? pa’no po maglelevel up ang performance ng isang atleta kung kulang allowance nila?” aniya.