Mula sa P115 ay tataas na sa P130 ang singil ng National Bureau of Investigation (NBI) sa clearance certificate nito.

Ayon sa abiso ng NBI, epektibo sa Marso 12, bukod sa P130 na ang singil sa NBI clearance ay magtataas din ng singil sa documentary stamp tax, bunsod ng implementasyon ng Tax Reform for Acceleration Inclusion (TRAIN) Law.

Una nang inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na magtataas ito ng singil sa kopya ng birth certificate, marriage certificate at death certificate. - Beth Camia

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20