Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Xavier University Gym-CDO)

5:00 n.h. -- Magnolia vs Meralco

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

ASAM ng Magnolia Hotshots na masundan ang bagong hirit matapos ang magkasunod na kabiguan sa pakikipagtuos sa Meralco Bolts ngayon sa PBA Philippine Cup sa Xavier University Gym sa Cagayan de Oro City.

Nakatakda ang laro ganap na 5:00 ng hapon.

Tatangkain naman ng Bolts na buhayin ang tsansang makahabol sa huling playoffs berth sa pag-asinta ng kanilang ikalimang panalo sa huling laro sa preliminaries.

Kasalukuyang nasa 3-way tie sa ikapitong posisyon at nasa bingit ng eliminasyon kasama ng TNT Katropa at Phoenix taglay ang kartadang 4-6.

Sisikapin nilang manalo upang sumalo sa Blackwater na ngayo’y nagsosolo sa ika-anim na puwesto hawak ang markang 5-6, kasunod ng Globalport at Barangay Ginebra na magkatabla sa ika-anim na puwesto sa patas na kartadang 5-5.

Nabuhayan ng pag-asa ang Bolts makaraang magtala ng dalawang dikit na panalo, pinakahuli kontra Ginebra sa iskor na 84-82, noong nakaraang Pebrero 18 sa labang idinaos sa Philippine Arena.