Ni REMY UMEREZ

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo
MATAGAL na namahinga si Sarah Geronimo sa showbiz activities. Manaka-naka lang siya lumabas sa ASAP at naging one of the coaches sa The Voice upang hindi tuluyang makalimutan ng publiko. Hindi rin siya nagkaroon ng major concert. Huli siyang napanood sa Perfect 10 ilang taon na ang nakararaan.

Bilang tugon sa kahilingan ng kanyang libu-libong followers, balik Araneta Coliseum si Sarah G. sa April 14 for a major concert entitled This Is Me, na ididirihe sa stage ni Paul Basinillo katuwang si Louie Ocampo as musical director. Available na ang tickets para sa This Is Me sa Ticketnet online na puwedeng tawagan sa 911-5555 at Viva Live 687-7236.

Malayo na ang nilakbay ni Sarah sapul nang tanghalin siyang Star for a Night champion ng Viva TV noong 2003. Ang This is Me ay hindi lang ambisyosong proyekto kundi malaki ring selebrasyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Siksik ang schedule ni Sarah ngayong 2018. Bukod sa This is Me concert ay abala siya sa paggawa ng bagong album na puro orihinal na komposisyon ng magiging laman. Sinimulan na rin ang shooting ng Miss Granny, kasaysayan ng isang seventy year-old na babae na bumalik sa kabataan sa pamamagitan ng magic camera. Ang Miss Granny ay ibinatay ss South Korean blockbuster flick at nagkaroon ng version sa Chinese, Japanese at Vietnamese. Ang version sa America ay pinamagatang 20 Again.

Kasama sa Miss Granny sina James Reid at Xian Lim sa ilalim ng direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.