ROTTERDAM, Netherlands (AP) — Sa edad na 36-anyos, nanatiling world No.1 si Roger Federer.

“What an amazing run it’s been and a journey it’s been for me ... to clinch world No. 1,” pahayag ni Federer, kampeon sa tatlo sa huling limang Grand Slams.

Nagwagi siya kontra Dutch player Robin Haase 4-6, 6-1, 6-1, sa quarterfinals ng ABN AMRO World Tournament, sapat para tanghalin siyang pinakamatandang plauyer na nagging No.1. Nalagpsan niya ang marka ni Andre Agassi na edad 33 nang huling maging world top player.

“Getting to No. 1 and enjoying it right here at 36, almost 37 years old is an absolute dream come true,” pahayag ni Federer. “I can’t believe it.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naungusan ni Federer sa world No.1 ranking ang 31-anyos na si Rafael Nadal .

“This one, because I’m a little bit older, is a little bit more special maybe, because there’s just so much that has to go into it, so much has to be right for it to work out, and it did so. It’s a very deep satisfaction,” pahayag ni Federer.

Tangan niya ang record na 302 weeks bilang No. 1 mula nang simulan ang rankings noong 1973. Nasa likod niya si Pete Sampras na may 286 weeks bilang lider at si Novak Djokovic na 223 weeks na No. 1.

“Reaching No. 1 is one of, if not the ultimate achievement in our sport,” aniya.