Ni Marivic Awitan

Mga Laro sa Sabado

(Filoil Flying V Center)

8:00 n.u. -- Ateneo vs UE (m)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10:00 n.u. -- FEU vs UP (m)

2:00 n.h. -- Ateneo vs UE (w)

4:00 n.h. -- FEU vs UP (w)

NAPANATILI ng Far Eastern University ang malinis na imahe at solong pamumuno matapos angkinin ang ika-apat na panalo sa impresibong 25-22, 15-25, 30-28, 25-22, desisyon kahapon sa UAAP Season 80 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Nakalusot sa mahigpit na bakbakan sa third set kung saan tatlong set points ang kanilang hinabol upang maiwasang maiwan ng dalawang frames pagkaraang dominahin sila ng DLSU Spikers sa second set.

Kasunod nito, hindi na nila pinaporma ang kalaban sa fourth set upang ganap na makopo ang panalo.

Nagposte si John Paul Bugaon ng 19-puntos kasunod si Richard Solis na may 14-puntos kabilang dito ang game winning hit upang pangunahan ang nasabing panalo ng Tamaraws.

Sanhi ng kabiguan, bumaba ang La Salle sa markang 1-2.

Samantala sa ikalawang laro, nakamit naman ng Adamsom ang unang panalo ngayong season matapos gapiin ang University of the Philippines, 22-25, 26-24, 25-16, 25-19.

Umiskor si Paolo Pablico ng kanyang personal best 23-puntos habang nagposte naman ng 10-puntos at 39 excellent sets upang pangunahan ang Falcons sa tagumpay na nagtabla sa kanila sa kanilang biktima at sa DLSU.