Nina GENALYN D. KABILING at ROY C. MABASA, at ulat ni Mina Navarro

Determinado ang gobyerno ng Pilipinas na mapanagot ang Kuwait sa mga sinapit na pang-aabuso at pagpatay sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa nasabing Gulf state.

Nagbabala si Presidential Spokesman Harry Roque na ang Kuwait at maaaring papanagutin sa “international responsibility” kung mabibigo itong magkaloob ng legal na solusyon para sa mga biktimang OFW.

“As to the need for justice, we will hold Kuwait responsible under the concept of state responsibility. Kuwait, under international law, has a legal obligation to provide legal redress for the victims, Filipino victims of these horrendous crimes in Kuwait,” sabi ni Roque.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“And of course, if Kuwait fails in this regard, then it will incur international responsibility for an internationally wrongful act,” dagdag pa niya.

Una nang tinuligsa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kuwait sa “inhuman” na pagtrato sa mga dayuhang manggagawa kasunod ng pagkakadiskubre sa bangkay ng isang Pinay sa loob ng freezer sa isang apartment na mahigit isang taon nang bakante.

“How come my countrymen are now suffering brutality, cruelty, and death? And you seem to be oblivious about it,” sabi ni Duterte, tinukoy ang gobyerno ng Kuwait, sa press conference nitong Biyernes. “Is there something wrong with your culture? Is there something wrong with the values?”

Dahil dito, nagpatupad ang pamahalaan ng total ban ng mga OFW sa Kuwait, at ipinag-utos ang pagpapauwi sa bansa ng mga Pilipino sa Kuwait.

Kinumpirma kahapon ni Roque na nasa 400 OFW ang dumating kahapon sa bansa mula sa Kuwait, makaraang mag-apply ng amnestiya.

“Those who opt for repatriation from Kuwait will be given P5,000 financial assistance and a further P20,000 assistance for alternative livelihood,” ani Roque.

Inaapura na rin ng pamahalaan ang repatriation ng aabot sa 10,000 Pinoy sa Kuwait, na una nang naproseso bago ang deployment ban dahil na rin sa mga reklamo ng pang-aabuso, pagmamaltrato, panghahalay, at hindi pagpapasuweldo.

Nasa 250,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Kuwait, 75 porsiyento ng mga ito ay domestic helpers.