PINATAOB ng Perpetual Help ang defending champion College of St. Benilde sa pahirapang, 23-25, 25-22, 25-22, 23-25, 15-9, panalo para makumpleto ang nine-game elimination round sweep at masungkit ang awtomatikong finals berth sa men’s division ng 93rd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

volleyball copy

Tumipa si Joebert Almodiel ng match-best 23 puntos, kabilang ang 21 puntos sa atake, habang kumana sina Ridzuan Muhali, team captain Rey Taneo, John Patrick Ramos at Ronniel Rosales ng double digits performance para sandigan ang Altas sa 9-0 marka at maghihintay na lamang ng makakaribal sa best-of-three championship.

“When we lost the first set, I just told them to play with pride and I’m happy that they responded,” pahayag ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Habang papitek-peteks na lang ang Las Pinas-based spikers, dadaan sa stepladder semifinals ang Arellano University, San Beda at CSB.

Magtutuos ang San Beda at CSB sa knockout duel kung saan ang mananalo ay makakaharap ng Arellano sa do-or-die showdown para sa nalalabing final slots.

Target ng Altas, huling naging kampeon noong 2015, na masungkit ang ika-11 titulo, tampok ang five-peat noong 1985-89 season at four-peat noong 2011-13. Kasalukuyang ikalawang may pinakamaraming titulo ang Perpetual sa kasaysayan ng NCAA volleyball sa likod ng Letran (14).

“It’s not about the X and Os anymore. The championship will be won by the team that is more mentally prepared. And that is what we need to win this thing again,” pahayag ni Acaylar.