Ni Leonel M. Abasola at Argyll Cyrus B. Geducos

Kumpirmado na ng Commission on Appointment (CA) bilang Department of Health secretary si Francisco Duque, sa kabila ng kontrobersiya na kinakaharap ng kagawaran kaugnay ng bakuna kontra dengue na Dengvaxia.

DOH Secretary appointee Francisco Duque III during his ad interim appointment with the Committee on Appointments at Senate on Wednesday. Photo by Jansen Romero
DOH Secretary appointee Francisco Duque III during his ad interim appointment with the Committee on Appointments at Senate on Wednesday. Photo by Jansen Romero

Tinalakay ang usapin sa bakuna sa pagharap ni Duque sa komisyon, pero nanaig pa rin ang kanyang kumpirmasyon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Tatlong pagtutol naman mula kina Dr. Nestor Dizon Jr., Anti-Trapo Movement of the Philippines Chairperson Leon Peralta, at David Diwa ang natanggap ng CA.

Kabilang sa mga isyung tinalakay ang labis na supply ng mga gamot, at ang pagdami ng may sakit sa Mindanao.

Ikinagalak naman ng Malacañang ang pagkumpirma ng CA kay Duque, na humalili kay Dr. Paulyn Ubial na ni-reject ng komisyon noong Oktubre 2017.

“Kampante po ang Malacañang na with Secretary Duque at the helm of the DoH, lahat po ng ating mga problema, lalo na dito sa Dengvaxia, ay mabibigyan po ng tamang solusyon,” sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque.