Ni RIZALDY COMANDA
SA temang “Celebration of Culture and Creativity” kaugnay sa pagkakahirang ng UNESCO sa Summer Capital bilang Creative City, sinimulan ng drum and lyre streetdancers mula sa elementary schools ang creativity street dancing parade at showdown competition sa pagbubukas ng selebrasyon ng 23rd Panagbenga Festival o Baguio Flower Festival nitong Pebrero 1 sa Baguio City.
Layunin ng city government at ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. na maipakita sa mga residente at turista ang mas pinaganda at pinalaking selebrasyon na angkop sa tema kultura ng rehiyon at ang pagiging Creative City ng Baguio.
Labing-isang elementary schools drum and lyre sa lungsod at karatig-bayan ng Benguet ang nagpapakita ng mga creative costume at nagtagisan ng kani-kanilang kahusayan sa drum and lyre habang pumarada sa kahabaan ng Session Road-Magsaysay-Harrison Road patungo sa Athletic Bowl para sa showdown competition.
Sa showdown ng 11 kalahok ay walo ang napili ng mga hurado para sa muling kompetisyon sa grand street dancing parade sa Pebrero 24.
Ang mga finalist sa drum and lyre competition ay ang Mabini Elementary School (Theme Perfomance: Pigsa ken Kagam-a-Tribute to Our culture); Baguio Central School ( Legend of the Blooming Flowers in Cordillera); Tuba Central School (Blooming Flowers of Tuba); Josefa Carino Elem. School (Kulturang Nagbuklod Tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran); Aguinaldo Elem. School (Fostering a Culture of Caring School); Dominican Mirador Elem. School (Pagbukrad); Manuel L. Quezon Elem School (Baguio City of Loving People Who Nurtures Culture and Preserves Nature) at Jose P. Laurel Elem. School (Unfolding Love and Culture Among the Upland and Lowlands).
Tiniyak din ng city government at BFFFI na mas pabobongahin pa ang inaabangang grand streetdancing at flower floats parade sa Pebrero 24-25.
[gallery ids="286006,286005,286004,286003,285998,285999,286000,286001,286002,285997,285996,285995,285994,285993,285988,285989,285990,285991,285992"]