psc copy

HINIMOK ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga atleta, coach at opisyal na itaas ang antas ng pagsasanay at maging determinado sa kanilang hangarin na makapagbigay ng karangalan sa bayan.

“Every time you compete always bear in mind you also do what regular athletes do as long you have the big fighting heart where the Filipinos are known for,” pahayag ni Ramirez sa kanyang mensahe sa mga dumalo sa ginanap na Philippine Sports Commission Holestic Development Sports Seminar for Differently-Able Women Athletes sa Philsports Arena sa UItra.

“Forget the physical defect. Always remember the success achieved by 2000 Sydney Paralympics bronze medalists Adeline Dumapong, 2016 Brazil Paralympics bronze medalist Josephine Medina at ASEAN Para Games triple gold medalists Cindy Asusano at Cielo Honasan,” pahayag ni Ramirez.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pinaalalahanan ni Ramirez na ang kapansanan ay hindi sagabal para ang atleta ay magtagumpay sa palakasan na pinatunayan na nina Dumapong, Medina at Honasan.

Kasabay nito, hinamon ni Ramirez ang mga atleta muling pag-ibayuhin ang kanilang kampanya sa darating na SEA Games, Asian Games, Paralympics at iba pang mga malalaking competitions at ipagpatuloy ay pagbibigay ng karangalan sa bansa.

Natuwa si chairperson PSC Commissioner Dr. Celia Kiram sa pinakitang interest ng mga atletang may kapansanan sa dalawang araw na seminar na pinangasiwaan ng tatlong prominenteng sports specialists na sina Trece Academia, Dr. Raul Cembrano at Professor Francis Carlos Diaz.

“The big attendance manifested the success of the two days seminar,” pahayag ni Kiram.

Binahagi rin ni Adeline Dumapong ang kanyang maraming natamong tagumpay sa Paralympcs, Asian Games, SEA Games at World Paralympics sa kanyang kapwa differently able athletes na lumahok sa 9th ASEAN Para Games ginawa sa Malaysia isang linggo matapos ang 29th SEA Games.

Mahigit 500 atleta at coach ang nakiisa sa seminar sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Association of Physically Disable Athletes na pinamumunuan ni dating PSC Commissioner Mike Barredo.

Tinalakay ni Academia ang Opportunity in Modern Grassroots, Mental toughness, Success Secret of a World Class Athlete at Stress Management at tinalakay ni Cembrano ang Introduction to Paralympic Sports and its Classification.

Pinaliwanag naman ni Diaz ang Pathways to Effective Parasports.

Kamakailan pinangasiwaan ni Kiram ang limang women sports activities sa Rizal Memorial, Harrison Plaza, Bongao (Tawi Tawi), ARMM at sa San Fernando, Pampanga dinaluhan ng mahigit 500 physical education teachers galing sa ibang lalawigan sa Central Luzon.