MAGANDANG balita para sa mga estudyante at alumni ng Eulogio Rodriguez Jr. High School.

Magsasagawa si Asia’s first Grandmaster Rugene Torre ng simultaneous exhibition games sa mga piling estudyante at alumni sa Feb. 22 bilang bahagi ng 66th anniversary celebrations ng nasabing paaralan sa Quezon City.

torre copy

Itinataguyod ng ERJHS Alumni Sports Club, ang two-part na programa ay sisimulan sa two-hour chess clinic na pamumunuan ng One Meralco Foundation sa pangangasiwa ni president Jeff Tarayao.

BALITAnaw: Ang ika-15 anibersaryo ng Maguindanao Massacre

Ang Meralco Chess Club consultant na si Rolly Sol Cruz ang magbibida sa chess clinic.

“Magandang oportunidad para sa mga student-players ng aming paaralan na makaharap at makalaro si Torre, na itinuturing pa ding pinaka-sikat na Filipino chess player,” pahayag ni ERJHS ASC president Ed Andaya ng Batch 81.

“Ang buong ERJHS kasama na ang ASC ay nagpapasalamat kay Torre, One Meralco Foundation at National Chess Federation of the Philippines sa pag-tanggap sa aming paanyaya na ikatataas ng kanilang kaalaman sa chess.”

Ang Meralco ay magbibigay din ng mga chess sets sa paaralan.

Inaasahan ding dadalo sa chess simul-clinic sina ERJHS school principal Dr. Florito Gerena, at ASC officers Rene Baena, Zeny Castor, Reuel Vidal, Oliric Lacsamana, Jane Jimenez, Bess Maghirang, Ramon Ypil, Albert Andaya, Roland Doncillo, Michael de Castro, Richard Nell at Roy Madayag.