Naniniwala si Senador Win Gatchalian na malaki ang matitipid sa presyo ng kuryente sakaling maipasa ang Senate Bill No. 1653 o Electricity Procurement Act of 2018.

Aniya magkakaroon kasi ng kumpetisyon, magiging transparent, at pantay ang pagbili ng mga elektrisdad kaya’t makatitipid ng P13 bilyon bawat taon sa singil sa kuryente.

“This increased competition would then drive generation costs down, resulting into an average savings of P60 for the average household consuming 200 kilowatt hours per month — equivalent to approximately 2 kilograms of rice,” ani Gatchalian.

Bukas sa publiko ang lahat ng transaksyon ng Competitive Selection Process at ang Energy Regulatory Commission (ERC) ang magdedesisyon sa tunay na presyo ng kuryente. - Leonel M. Abasola
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony