Afghan volunteers and policemen carry injured men on an ambulance at the scene of a car bomb exploded in front of the old Ministry of Interior building in Kabul on January 27, 2018. An ambulance packed with explosives blew up in a crowded area of Kabul on January 27, killing at least 17 people and wounding 110 others, officials said, in an attack claimed by the Taliban.  / AFP PHOTO / WAKIL KOHSAR

KABUL (AFP) – Isang ambulansiya na puno ng mga pampasabog ang pinasabog sa isang mataong lugar sa Kabul nitong Sabado, na ikinamatay ng 95 katao at ikinasugat ng 158 iba pa, sinabi ng mga opisyal, sa isa sa pinakamalaking pagsabog na yumanig sa lungsod nitong mga nakalipas na taon.

Nangyari ang pagsabog sa lugar na kinaroroonan ng mga opisina ng ilang high-profile organisation, kabilang ang European Union.

Nasa “safe room” ang mga miyembro ng EU delegation sa Kabul at walang nasaktan sa kanila, sinabi ng isang opisyal sa AFP.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa lakas ng pagsabog, nabasag ang mga bintana ng mga gusali hanggang dalawang kilometro ang layo sa sentro ng pagsabog at gumuho ang ilang low-rise structures na malapit dito.

Sinabi ng tagapagsalita ng interior ministry na dumaan ang suicide bomber sa isang checkpoint sakay ng ambulansiya at sinabing may dadalhin siyang pasyente sa Jamuriate hospital.

‘’At the second checkpoint he was recognised and blew his explosive-laden car,’’ ani Nasrat Rahimi.

Sinabi ni Rahimi sa news conference na karamihan sa mga biktima ay sibilyan. Sinabi rin niya na ang Taliban-affiliated Haqqani Network ang responsable at apat sa mga suspek ang naaresto.

Kinondena ng International Committee of the Red Cross sa Afghanistan ang paggamit ng ambulansiya sa pambobomba, sinabi sa Twitter na ito ay ‘’unacceptable and unjustifiable’’.

Kinondena rin ni President Trump ang ‘’despicable’’ attack, at nangangako na ‘’the Taliban’s cruelty will not prevail.’’

‘’Now, all countries should take decisive action against the Taliban and the terrorist infrastructure that supports them,’’ panawagan niya.

Ginamit ng Taliban ang social media para akuin ang pag-atake, na nangyari eksaktong isang linggo matapos lusubin ng mga militante ang isang hotel sa Kabul, na ikinamatay ng 25 katao, karamihan ay mga banyaga.