Ni Marivic Awitan

BINOKYA ng reigning champion Far Eastern University -Diliman ang Ateneo, 9-0, upang makausad sa kampeonato ng UAAP Season 80 juniors football tournament nitong Linggo ng hapon sa Rizal Memorial Football Stadium.

Nagsipagtala ng goal sina Kieth Absalon, Gio Pabualan , Andrei Sabrejon, Pete Forrosuelo, John Angelo Reoyan, Nikko Caytor at Viejay Frigillano para sa nasabing panalo ng Baby Tamaraws.

Naghahangad ng kanilang ikawalong titulo sa liga, pinatatag ng FEU-Diliman ang pagkakaluklok nila sa ibabaw ng team standings matapos lumikom ng kabuuang 19-puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa iba pang laro, tinalo naman ng National University and University of Santo Tomas, 2-1, upang mapanatiling buhay ang tsansang umabot ng Finals.

.

Naipasok ni Khenn Francis Taala ang nagsilbing winning goal ng laban para sa Bullpups sa ika-38 minuto.

Natapos ng Bullpups, ngayong season lamang sumali sa torneo, ang elimination round na may 16 puntos.

Posibleng umusad ang Bullpups sa finals kung mabibigo ang De La Salle Zobel o kaya’y tatapos lamang ng draw kontra FEU sa huling laban sa Linggo.

May taglay na malaking goal differential kontra Bullpups, ang Junior Archers kayak kung magwawagi sila sa Baby Tamaraws sila ng huli ang magtutuos sa Finals na gaganapin sa Pebrero 3.

Nagtapos ang Tiger Cubs na may 4 na puntos habang wala naman ni isa sa pagtatapos ng kanilang kampanya ang Ateneo.