Ni Bella Gamotea

Sa rehas ang bagsak ng dalawang lalaki matapos arestuhin dahil sa kinakaharap na kaso sa Makati City, nitong Lunes ng hapon.

Kasalukuyang nakakulong sa Makati City Police ang mga suspek na sina John Ray Napoles y Catalan, nasa hustong gulang, ng 4796 Solchuaga Street, Barangay Singkamas, Makati City; at Rolando Paredes y Jamiro, 61, ng Unit 117-B, Makati Homes, Milk Weed St., Bgy. Rizal, Makati City.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District, pinosasan ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, sa pangunguna ni Senior Insp. Ronald Saquilayan, si Napoles sa kanyang bahay bandang 2:30 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Napoles ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Dinalupihan Bataan Regional Trial Court (RTC) Branch 92 Judge Amelita Cruz Corpuz, dahil sa kasong attempted rape.

Inirekomenda ng korte ang P120,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Samantala, bandang 2:45 ng hapon, inaresto si Paredes sa kanyang bahay dahil sa kasong robbery at inirekomenda ng hukuman ang 16,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Nakatakdang iharap sa korte ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.