Ni Annie Abad

IWASAN ang malnutrisyon at panatihing malusog ang kabataan, ang nais na ipalaganap ni Marco Bertacca, Managing Director ng Alaska Milk, kung kaya naman patuloy ang kanilang pagsuporta sa sports.

Ayon sa panayam matapos ang Tip-off Press launching ng Jr. NBA Philippines kahapon sa Don Bosco sa Makati City, nais niyang maging bahagi ng pagtulong upang maiwasan ang malnutrisyon sam ga kabataang pinoy.

“The reason I am here, is to help promote sports and stop malnutrition. Now, through this sports program we can easily engage our youth to join this kind of activites, like the Jr. NBA,” ayon kay Mertacca na siyang pumalit sa puwesto ni Fred Uytengsu.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Jr. NBA ay nasa kanilang ika-11 taon na sa kasalukyuyan na humubog ng mga basketbolista na batang lalaki at batang babae kung saan naging produkto dito sina Kiefer Ravena, Kobe Paras, Thirdy Ravena kai Sotto at iba pa.

“As part of our long -standing partnership with the NBA, alaska Milk Corporation is proud to play an active role in shaping the basketball players of tomorrow through good nutrition and proper life values,”ayon naman kay Blen Fernando na siyang Marketing director ng Alaska Milk.

Ang nasabing proyekto ay bukas sa lahat ng mga kabataang lalaki at babae na mahilig magbasketball at ito ay libre, kasabay ng paghubog sa ilangm ga coaches na siya namang iikot sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas upang magsagawa ng basketball clinics at kumuha ng mga prospects na manlalaro.