Ni Rommel P. Tabbad

Tatlong buwang preventive suspension nang walang suweldo.

Ito ang naging kautusan ng Sandiganbayan laban sa isang konsehal sa Cagayan na nabigong i-liquidate ang P400,000 cash advance nito noong 2009, nang siya ay bise alkalde pa.

Sa tatlong-pahinang ruling ng anti-graft court, pinagbawalan din si Tuguegarao City Councilor Danilo Baccay na ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang konsehal habang hindi pa natatapos ang kinakaharap niyang kasong paglabag sa Article 218 (Failure to Render Account) ng Revised Penal Code.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Once the information is found to be sufficient in form and substance, then the Court must issue the order of suspension as a matter of course. There are no ifs and buts,” saad sa desisyon ng hukuman.

Nilinaw ng korte na kahit nag-iba na ang hawak na posisyon ay hindi pa rin makalulusot ang sinumang opisyal sa suspension order.

“Under Section 13 of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, any incumbent public official who is facing criminal prosecution must be suspended to prevent him from influencing or intimidating potential witnesses,” anang hukuman.