Ni Genalyn D. Kabiling

Nakagawian na ni Pangulong Duterte ang pagnguya ng chewing gum—at medikal ang pangunahing dahilan nito.

Sa pagsasalita ng Pangulo sa event ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Manila Hotel nitong Huwebes, sinabi niya na naiibsan ng pagnguya ng gum ang sakit na dulot ng kanyang spinal injury.

Dati nang inamin ni Duterte ang pagkakaroon niya ng pinsala sa gulugod na nakuha niya sa aksidente sa motorsiklo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Bayaran mo lang ako chewing gum kasi it eases up the pain when I’m chewing. Nawawala ‘yung spinal ano (pain) ko. It eases a bit,” sabi niya.

Nagkomento si Duterte hinggil sa chewing gum nang imungkahi niya sa mga negosyante kung paano siya mapasasalamatan ng mga ito sa paglutas sa mga reklamo laban sa tiwaling government officials. Pinayuhan niya ang mga negosyante na huwag pagbigyan ang kapritso ng mga tiwaling public officials, at mas dapat na ireklamo sa kinauukulan ang mga ito tiwali.

Nang bumisita sa Beijing noong 2016, iniulat na nahagip ng camera ang Pangulo—na kilala sa kanyang kaswal na pagkilos at pananamit—na ngumunguya ng chewing gum habang nakikipagkamay at mayroong signing ceremony kay Chinese President Xi Jinping.

Ang gum chewing ay itinuturing na kawalan ng respeto sa mga pormal na okasyon.