Ni Marivic Awitan

MATINDI ang naging panimula ni Barangay Ginebra Kings slotman Greg Slaughter sa 43rd season ng PBA sa pamamagitan ng back-to-back solid games na naging susi para mapili siya bilang PBA Press Corps Player of the Week.

pba copy

Inumpisahan ni Slaughter ang bagong season ng PBA sa pag -iskor ng 24 puntos at 12 rebounds bukod pa sa apat na blocks upang pamunuan ang Ginebra sa 89-78 panalo kontra Magnolia sa Manila Clasico noong Pasko sa Philippine Arena sa Bulacan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ipinakita ng dating Ateneo big man na siya ang Ginebra main weapon sa loob ng paint kung saan ginamit nya ang kanyang taas at haba ng mga galamay para makamit ng Kings ang ikawalong sunod nilang panalo tuwing araw ng Pasko.

Kasunod nito, nagtala ang 6-11 na si Slaughter ng 18-puntos at 9 rebounds bukod pa sa 5 blocks para giyahan ang Ginebra kontra GlobalPort, 104-97 nitong Linggo.

Tinalo ni Slaughter para sa lingguhang citation ang kanyang teammate na si LA Tenorio, Phoenix gunner Matthew Wright, rookie Jason Perkins at big man Doug Kramer, TNT ace guard Jayson Castro, at forwards Troy Rosario at Mo Tautuaa, San Miguel slotman June Mar Fajardo at guard Alex Cabagnot at Blackwater standouts Mike DiGregorio at Mac Belo.