Isusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng batas na nagbabawal sa paggamit ng anumang paputok at pyrotechnic devices sa buong bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nais ni Pangulong Duterte na maagang masimulan ang public debate sa pag-ban ng firecrackers at pyrotechnics para maipasa ito sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Roque, inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Trade and Industry (DTI) na maghanap ng alternatibong kabuhayan para sa tinatayang 75,000 manggagawa na maaapektuhan.
“The President also indicated that he will push for Congress to enact a law that will ban all firecrackers and pyrotechnics,” ani Roque.
Sa ilalim ng Executive Order 28, nililimitahan at kinokontrol lamang ang paggamit ng mga paputok at pyrotechnic devices taliwas sa isang batas na magpapatupad na ng total ban dito. - Beth Camia