MATAPOS mapalagda ang mga National University standouts na sina J-Jay Alejandro at Matt Salem pinalakas pa ng baguhang PBA D-League franchise Go for Gold Scratchers ang kanilang roster matapos kunin ang serbisyo ni Arellano University ace guard Kent Salado.

Ang paglagda ni Salado ay kinumpirma ni Go for Gold assistant coach Charles Tiu gayundin ni Chiefs head coach Jerry Codinera.

Inaasahan ng AU Chiefs mentor na madadala ni Salado ang makukuha nitong exposure sa D league sa huling taon nito sa NCAA.

Kinumpirma rin ni Codiñera na naka -recover na si Salado mula sa natamong right medial cruciate ligament sa pagtatapos ng nakaraang NCAA Season 93 men’s basketball tournament..

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagtala si Salado ng averaged na 18.9 puntos, 3.8 rebounds, 4.9 assists, at 1.3 steals sa nakalipas na NCAA season.

Hindi naman baguhan si Salado sa D league. Sa katunayan, siya ang naging ikatlong manlalaro sa liga na nakapagtala ng triple double noong Hunyo 9, 2017 habang naglalaro sa Racal Tile Masters.

Sa pagkakadagdag ni Salado, inaasahang magiging maganda ang takbo ng kampanya ng Go for Gold na pamumunuan ng ex-pro na si Jerwin Gaco, sa darating na 2018 Aspirants’ Cup. - Marivic Awitan