INAASAHANG aabot sa 1,000 mananakbo mula sa Metro Manila, Calabarzon at iba pang bahagi ng Central Luzon ang lalahok sa Republika Run 2018, Run for a cause,na bahagi ng selebrasyon ng Unang Republika ng Pilipinas na gaganapin sa Malolos Sports Convention Center sa Mac-Arthur Highway,Malolos City,Bulacan sa Enero 21, 2018.
Isang makabuluhang patakbo na suportado ni Malolos City Mayor Christian Natividad para sa First Philippine Republic Celebration, tatanggap ng cash prize, medal at lootbag ang unang sampung lalaki at babaeng tatawid sa finish line sa 3-in-1 footrace na tatahak sa makasaysayang lugar sa Lungsod ng Malolos.
Ayon kina Alvin Calisora at Dhict Montero, race organizers at Frederick Apostol, pangulo ng Barasoain Running Heroes(BRH), mabebenipisyuhan ng patakbong ito ang Emmaus House of Apostolate at Bahay Kalinga sa Malolos City kung saan tatanggap ng P8,000,P6,000 at P4,000 ang unang tatlong tatlong male at female runners sa 21 kilometers o half-marathon run na mauuna sa meta habang mayroon ding P1,000 cash prize ang mula 4th-10th place.
Makakatanggap din ang top three runners sa 10K run ng P6,000, P4,000 at P2,000 cash prize habang ang 4th-10 place sa male at female category ay mayroon ding P1,000 premyo gayundin ang top ten winner sa maikling kategorya na 5K run na ang unang tatlong winners ay may maiuuwing P4,000,P2,000 at P1,500 prize habang ang 4th-10 place ay may tig-P1,000 premyo.
Mayroon ding premyong P3,000,P2,000 at P1,000 ang top three biggest delegation bukod pa sa premyo para sa youngest at oldest runner sa patakbong ito na ang lahat ng lalahok ay tatanggap ng finisher medal habang mayroon finisher shirt ang makatatapos sa half marathon.
Ang gun start para sa 21K ay 4:30 am,10K 5:00 am at 5K ay 5:15 am kungs aan puwedeng magparehistro ang interesadong runners sa The Sports warehouse sa Robinson Place-Malolos City mula alas 2:00 pm hanggang 7:00 pm araw-araw. - Gilbert Espeña