Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(FilOil Flying V Center)

8 a.m.-- LPU vs UPHSD (jrs)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

9:30 a.m.-- LPU vs UPHSD (m)

11 a.m.-- LPU vs UPHSD (w)

12:30 p.m.-- EAC vs AU (m)

2 p.m.-- EAC vs AU (w)

3:30 p.m.-- EAC vs AU (jrs)

TARGET ng reigning women’s champion Arellano University na masundan ang matikas na simula sa kampanyang back-to-back, habang sasalang sa unang pagkakataon ang mga koponan ng Lyceum of the Philippines University at University of Perpetual Help sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 volleyball tournament ngayon sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Makakatunggali ng Lady Chiefs, pinadapa sa loob ng straight sets ang Mapua Lady Cardinals sa opening day, ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals na manggagaling naman sa tatlong sets ding kabiguan sa kamay ng season host San Sebastian College sa tampok na laban ganap na 2:00 ng hapon.

Mauuna rito, magtatapat naman sa unang women’s match ang Lady Pirates at ang Lady Altas ganap na 11:00 ng umaga pagkatapos ng unang dalawang laro sa pagitan ng kanilang juniors squads na magsisimula ng 8:00 ng umaga at ng kanilang mga seniors team ganap na 9:30 ng umaga.

Bago magsimula ang sagupaang EAC Lady Generals at Arellano Lady Chiefs, magsasalpukan muna ang kanilang male counterparts kung saan pupuntiryahin ng Chiefs ang ikalawang panalo kontra Generals ganap na 12:30 ng hapon.

Bagama’t itinalagang paborito at team-to-beat ngayong Season 93, ayon kay coach Obet Javier, hindi nila iniisip ang bentahe sa halip ay focus sila sa diskarte para maisalba ang kalaban.

“Sabi ko sa kanila one game at a time lang kami. Kung sino ang makakalaban namin dun kami nagpu-focus sa ensayo, “ ani Javier.

Muli, inaasahang gagamitin ni Javier ang transferee mula University of Santo Tomas na si Sarah Verutiao bilang setter habang nagpapagaling pa ng kanyang mild shoulder injury si starting setter Rhea Ramirez para makatuwang ng mga beteranong spikers na sina Jovelyn Prado at Regine Arocha.

Mauuna rito, sasabak naman sa unang pagkakataon na wala na ang kanilang top hitter na si Cherilyn Sindayen na nagkaproblema sa academics kontra Lady Altas na sasandig naman kay middle blocker Lourdes Clemente para pangunahan ang koponan sa pagkawala dahil sa graduation nina veteran spikers Jamella Suyat at Coleen Bravo.

Sa huling laro, magtatapat naman at mag -uunahang makapagtala ng ikalawang sunod nilang tagumpay ang Arellano Braves at EAC Brigadiers.