Ni Liezle Basa Iñigo

CALASIAO, Pangasinan - Patay ang isang lalaki na susundo lang sana sa kanyang misis, habang sugatan ang isa pang driver at angkas nito nang magkabanggaan ang kanilang motorsiklo sa Barangay Mancup, kahapon ng umaga.

Binawian ng buhay si Erwin Malabanan, 33, driver ng Honda TMX 125 motorcycle, ng Calasiao, habang sugatan naman sina Jose Allah Argoso III, 25, driver ng Honda Wave motorcycle, collector, tubong Antipolo City, Rizal; at angkas na si Jerry Pedere, 21, collector, tubong Bago City, Leyte.

Dakong 1:45 ng umaga nang lumabas ng bahay si Malabanan para sunduin sa trabaho ang kanyang misis nang aksidente niyang makasalpukan ang kasalubong na motorsiklo ni Argoso.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nakakulong na si Argoso, at pareho umanong nakainom ang dalawang motorcycle driver.