PUMANAW na si Ricardo Gonzales Jose, kilala sa kanyang mga kaibigan bilang ‘Totoy’, noong Agosto 13, 2017 sa edad na 68.

Sumuko siya matapos ang pakikipaglaban sa sakit na Non-Hodgkins Lymphoma sa kanilang tahanan sa Project 4, Quezon City at inihimlay ang kanyang mga labi sa Manila North Cemetery.

Ipinanganak sa Baler, Aurora, nagtapos si Jose ng Architecture sa National University. Naglingkod siya sa National Statistics Office hanggang sa kanyang pagreretiro matapos ang 38 taong serbisyo.

Naulila niya ang mga anak na sina Edgardo, Benjamin, Maria Theresa at Angelito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20