Ni PNA
MALUGOD na tinanggap ng Malacañang ang survey ng American polling firm na Gallup International na nagsasabing ang Pilipinas ang pangatlong pinakamasayang bansa sa mundo.
“We Filipinos are known as a happy, resilient people. We even manage to smile amid difficulties. It is therefore not surprising that we rank high in the global happiness index,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang pahayag.
Ayon sa Gallup International’s 41st Annual Global End of the Year Survey, nakakuha ang Pilipinas ng net score na +84 kasunod ng Fiji at Colombia, na dalawang nangungunang pinakamasayang bansa sa score na +92 at +87, ayon sa pagkakasunod.
Inilarawan ni Roque ang survey na “good news,” dahil sa pagpasok ng 2018, kinilala rin ‘Pinas bilang panglima sa pinakapositibong bansa sa usaping tagumpay sa ekonomiya at ikasiyam sa pinakapositibo sa mga mangyayari sa 2018.
Sinabi niya na ang pagiging positibo ng mga Pilipino ay maaaring iugnay sa “palpable change our people have felt under the leadership of President Rodrigo Roa Duterte.”
“Our economy is one of the fastest growing in the region,” sabi ni Roque.