SEOUL (AFP) – Nagpanukala ang South Korea kahapon na magdaos ng high-level talks sa Pyongyang sa Enero 9, matapos magpahayag si North Korean leader Kim Jong-Un na bukas itong makipagdiyalogo at posibleng dumalo ang Pyongyang sa Winter Olympics.

‘’We hope that the South and North can sit face to face and discuss the participation of the North Korean delegation at the Pyeongchang Games as well as other issues of mutual interest for the improvement of inter-Korean ties,’’ sinabi ni South Korea unification minister Cho Myoung-Gyon sa press conference.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'