Nananatiling banta ang kakulangan ng mga manggagawa sa tinaguriang “Golden age of infrastructure” ng gobyerno na inaasahang lubusang aarangkada ngayong taon.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) hindi makakayanang tugunan ng lokal na construction industry ang labor demands ng gobyerno at ng pribadong sektor.

“Job in construction increased to 3.59 million in 2017 from 3.31 million in 2016...So there is a net employment gain in the construction of 158,000,” ani Tutay.

Binanggit ang projection ng National Economic Development Authority (NEDA), sinabi niya na sa gobyerno pa lamang ay mangangailangan na ng hindi bababa sa 300,000 constructions workers bawat taon para sa infrastructure projects nito mula 2018 hangang 2022.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nitong 2017, iniulat ng DOLE na ang labor shortage ay tinatayang nasa 120,000.

Binanggit ni Tutay na lumala ang kakulangan sa pagtaas ng demand ng mga Pinoy construction workers sa ibang bansa.

Sinabi niya na umaasa sila na ang maitataas ng lokal na education at training institutions ang bilang ng mga manggagawa sa construction industry ngayong taon sa pagsisimula ng pamahalaan sa pagtatayo ng malalaking infrastructure projects nito.

Hinikayat din niya ang mga estudyante at mga manggagawa sa ibang larangan na ikonsidera ang pagpasok sa construction industry, na inaasahang mananatiling in-demand hanggang sa 2022.

Naglaan na ang NEDA ng P1 trilyon budget para sa 26 major infrastructure projects sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon dito, 12 hanggang 15 sa mga proyektong ito ay inaasahang sisimulan ngayong taon. - Samuel Medenilla