Bibibigyan ng trabaho ang mga taga-baryo upang umangat ang kalagayan nila sa buhay.
Ipinasa ng House Committee on Appropriations ang panukalang “Rural Employment Assistance Program Act” matapos amyendahan ang probisyon sa pondo nito.
Pinalitan ng aprubadong panukala ang House Bill 530 na inakda ni AKO Party-list Reps. Rodel Batocabe, Alfredo Garbin, Jr. at Christopher Co at ng HB 5188 ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano.
Isinasaad na deklaradong patakaran ng Estado na magkaloob ng tulong sa trabaho sa kuwalipikadong padre-de-pamilya o single adult member ng mahirap na kabahayan sa kanayunan na tinukoy ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ng Departmet of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang DSWD ang magpapatupad sa Rural Employment Assistance Program, katuwang ang local government units (LGUs).- Bert De Guzman