Ni Marivic Awitan

DALAWANG araw na lamang at ganap nang bababa sa puwesto si Chito Narvasa bilang PBA commissioner, ngunit hanggang ngayon ay wala pang napipili ang Board of Governors para pumalit dito.

Matatandaang nabalot ng matinding kontrobersiya ang unang play-for-pay league sa Asia matapos mahati ang mga miyembro ng board dahil sa pagkawala ng tiwala ng ilang board representatives kay Narvasa.

Ngunit bago magbukas ang 43rd Season ay nagpakita sila ng pagkakaisa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang listahan ang Board ng mga posibleng pagpilian ng papalit kay Narvasa.

Dahil sa kawalan ng kasiguruhan ng tenure ng panunungkulan ng isang commissioner, inaasahang mahihirapan ang board na makahanap ng isang taong may magandang karakter at reputasyon na handang isantabi ang kanyang career para magsilbing commissioner.

Hindi gaya noong dati nang maitalagang commissioner si Narvasa, dapat ay hindi na kumuha ang board ng isang head hunter.

Nauna nang naglabasan ang balitang kabilang sa mga pinagpipilian ng board sina Atty. Rebo Saguisag at Charlie Cuna, gayundin ang mga pangalan nina Ricky Palou at Tommy Manotoc, ngunit lahat ay walang pormal na kumpirmasyon mula sa Board.