Ni Johnny Dayang

TRADISYON na ng mga Katoliko ang pagdiriwang ng Pasko. Kahit may ilang sektor ng mga Kristiyano ang hindi gaanong nagpapahalaga sa Pasko, na-develop ng mga Pinoy ang kakaibang kultura na nagsisilbing oras para sa pamilya at reunion ang nasabing pagdiriwang.

Par sa pulitiko, ang Pasko ay nag-aalok ng napakaraming oportunidad upang makasalumuha ang kanilang mga nasasakupan, tipunin ang mga tagasuporta at makaiwas sa mapansamantalang kaugalian na paghingi ng lechon at mamahaling regalo sa mga pulitiko.

Nitong Disyembre 13, nagtakda ang PDP-Laban ng Christmas gala party sa five-star Sofitel Philippine Plaza Manila.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Gayunman, ang event ay naging okasyon ng ‘di pagkakaunawaan sa hanay ng mga major leader, partikular na sa pagitan nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na huli na nang malaman ang event at halos hindi na nito puntahan.

Hindi ito agad naipagbigay-alam kay Pimentel, PDP-Laban national president, dahil mayroon pa siyang Senate session.

Ikinairita ito marahil ng senador na huli na nang makarating sa event at bigong mabati si Pangulong Rodrigo Duterte na maagang umalis sa venue. Iniulat na kinausap niya ang mga organizer at tinanong kung bakit hindi siya agad sinabihan tungkol sa party at bakit hindi inilipat sa ibang araw dahil sa hindi pagkakatugma ng mga schedule ng mga leader.

Bukod diyan, ang pagbuo ng impression na ang usap-usapang away sa partido ay mas malalim sa inaasahan.

Sa post-party event sa Philippine Charity Sweepstakes Office, isiniwalat ni Sandra Cam, bagong talagang direktor, ang magarbong PCSO Christmas party, ginastusan umano ng P10milyon, sa Shangri-la Hotel. Ang magarbong selebrasyon ay naganap kung kailan inilakas ang libu-libong Pilipino dahil sa bagyo.

Nilinaw ni PCSO chairman Alexander Balutan ang ginastos sa party at sinabing ito ay aabot lamang sa P6 milyon, na hindi ganon kagarbo... dahil aabot sa 1,200 katao ang dumalo sa event.

Ipinaliwanag niya na ang malaking halaga ay napunta sa raffle prizes at mga regalo.

Sa Davao City, kinansela ang City Hall Christmas party dahil sa bagyong ‘Vinta’ na kumitil ng 200 katao. Sinundan ito ng sunog sa isang kilalang mall na ikinamatay ng 38 katao.