SAN ANTONIO (AP) — Humirit si Kawhi Leonard sa natipang 21 puntos sa pagbabalik-aksiyon mula sa injury, habang kumana si LaMarcus Aldridge ng 20 puntos para sandigan ang San Antonio Spurs kontra Brooklyn Nets, 109-97, nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

San Antonio Spurs guard Manu Ginobili, center, drives to the basket past Brooklyn Nets center Jarrett Allen, left, during the first half of an NBA basketball game, Tuesday, Dec. 26, 2017, in San Antonio. (AP Photo/Eric Gay)
San Antonio Spurs guard Manu Ginobili, center, drives to the basket past Brooklyn Nets center Jarrett Allen, left, during the first half of an NBA basketball game, Tuesday, Dec. 26, 2017, in San Antonio. (AP Photo/Eric Gay)

Tangan ng San Antonio ang ikatlong puwesto sa Western Conference standings (24-11) sa kabila ng pagka-sideline nina Leonard at Tony Parker sa nakalipas na 30 laro.

Sa unang pagkakataon, pumarada sa harap ng home crowd ang Spurs na buo ang line-up at tulad nang inaasahan nailatag nila ang matikas na opensa para maitala ang ika-15 sunod na panalo sa home game laban sa Nets.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hataw din si Pau Gasol sa natipang 15 puntos, habang kumana si Parker ng 14 puntos. Nag-ambag sina Patty Mills at Manu Ginobili ng tig-11 puntos.

Sumabak ang Nets na wala ang star players na sina D’Angelo Russell at Jeremy Lin na kapwa may injury.

Nanguna sa Brooklyn si Caris LeVert na may 18 puntos, habang humugot si Allen Crabbe ng 15 puntos.

HEAT 107, MAGIC 89

sa Miami, ratsada sina Josh Richardson at Wayne Ellington sa nakubrang 22 at 18 puntos sa panalo ng Miami Heat kontra Orlando Magic.

Nag-ambag sina Tyler Johnson ng 17, Kelly Olynyk na may 15 at Goran Dragic na tumipa ng 14 puntos para sa Heat, naungusan ang Orlando 39-21sa fourth period.

Nagbalik laro si Hassan Whiteside mula sa 11-laro sideline dulot ng injury at tumipa ng pitong puntos at walong rebounds.

Nanguna si Elfrid Payton sa Orlando na may 19 puntos, habang kumasa sina Evan Fournier at Mario Hezonja ng tig-14 puntos.

BULLS 115, BUCKS 106

Sa Milwaukee, hataw si Nikola Mirotic sa naiskor na 24 puntos mula sa bench para ungusan ang Bucks para sa ikawalong panalo sa huling 10 laro.

Ang matikas na winning run ng Chicago ay nagsimula sa pagbabalik laro ni Mirotic, na-sidelien bunsod nang pagkabali ng buto sa mukha dulot nang pang-uulo ng kaanggang si Bobby Portis sa ensayo ng koponan.

Kumubra si Kris Dunn ng 20 puntos at 12 assists para sa Bulls.

Nagsalansan naman si Giannis Antetokounmpo ng 28 puntos at kumubra si Eric Bledsoe ng 22 puntos para sa Milwaukee, nabigo sa ikalimang pagkakataon sa huling pitong laro.

CLIPPERS 122, KINGS 95

Sa Los Angeles, ginapi ng Clippers, sa pangunguna ni Montrezl Harrell na may 22 puntos, ang Sacramento Kings.

Nag-ambag si Lou Williams ng 21 puntos, habang humugot sina Jamil Wilson ng 17 puntos mula sa bench at kumana si DeAndre Jordan ng 13 puntos at 15 rebounds.

Nanguna si Willie Cauley-Stein sa Kings na may 17 puntos.

MAVS 98, RAPTORS 93

Sa Dallas, pinutol ng Mavericks, sa pangunguna ni J.J. Barea na may 20 puntos, ang six-game winning run ng Toronto Raptors.

Nag-ambag si Dirk Nowitzki ng 18 puntos at tumipa ang kapwa niya German na si Maxi Kleber ng 15 puntos at nag-ambag si Harrison Barnes ng 16 puntos at 10 rebounds.

Nanguna si Kyle Lowry sa Toronto na may 23 puntos, hjabang nalimitahan si DeRozan sa walong puntos.