Ni Liezle Basa Iñigo

Wala nang buhay nang matagpuan kahapon ang isang 75-anyos na babae makaraang malunod sa irrigational canal sa Barangay Parparoroc, Vintar, Ilocos Norte.

Sa report kahapon ng Ilocos Norte Police Provincial Office, nakilala ang biktimang si Consolacion Espiritu, residente sa nabanggit na lugar.

Nadiskubre ni Johnrick Rebondo, 24, ang matanda sa irrigation canal at wala na itong buhay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napag alaman na may problema umano sa pag-iisip ang biktima.