Los Angeles Lakers guard Lonzo Ball  (AP Photo/Chris Carlson)
Los Angeles Lakers guard Lonzo Ball (AP Photo/Chris Carlson)

EL SEGUNDO, California (AP) — Hindi pa makalalaro si Stephen Curry sa Golden State Warriors laban sa Cleveland Cavaliers, gayundin si Lonzo Ball sa pagsabak ng Los Angeles Lakers sa Minnesota Timberwolves sa Araw ng Kapaskuhan.

Ipinahayag ng Lakers coaching team nitong Linggo (Lunes sa Manila) na lumabas sa pagsusuri ng MRI na nagtamo ng sprain si Ball sa laban kontra Portland nitong Sabado ng gabi. Kumana ng 10 puntos, walong rebounds at 11 assists si Ball sa naturang laro.

Sasailalim ang rookie guard sa re-evaluation sa susunod na linggo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tangan ni Ball ang averaged 10.0 points, 6.9 rebounds at 7.1 assists para sa Lakers na kasalukuyang No.3 sa Pacific Division tangan ang 11-20 karta.

Nangunguna naman ang Warriors tangan ang 26-6 karta, kabilang ang anim sa huling pitong laro na nasa bench si Curry, nagtamo ng sprained sa kanang paa sa panalo laban sa Pelicans noong Nobyembre 4.