Ni Francis T. Wakefield at Argyll Cyrus B. Geducos

Inihayag kahapon ng Department of National Defense (DND) na ang deklarasyon ng pamahalaan ng unilateral ceasefire laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ay ipatutupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Disyembre 23-26, at sa Disyembre 30 hanggang Enero 2, 2018.

Ang Christmas truce sa mga rebelde ay epektibo simula 6:00 ng gabi ng Disyembre 23 hanggang 6:00 ng gabi ng Disyembre 26, at 6:00 ng gabi ng Disyembre 30 hanggang 6:00 ng gabi ng Enero 2, 2018.

Sa isang pahayag, sinabi ni DND Spokesman Arsenio Andolong, na ang tigil-putukan ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte bilang Commander-in-Chief ng AFP.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una nang idineklara ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Martes na ipatutupad ng gobyerno ang ceasefire sa NPA simula sa Disyembre 24 hanggang Enero 2, upang mabawasan ang pagkabahala ng mamamayan at maayos na maipagdiwang ng mga ito ang Pasko.

Kaugnay nito, sinabi naman ng Malacañang na hindi ito umaasang magpapatupad din ng sariling tigil-putukan ang CPP-NPA.

“He has no expectations whatsoever. He’s hopeful but if not, then it will prove what he has been saying all along that the NPA are treacherous. So the ball is in the court of the NPA,” sabi ni Roque. “He did it for the Filipino people. He wants the Filipino people to have less things to worry about because Christmas is a time for celebration.”