Tiniyak ng Department of Health (DoH) na sasagutin ng pamahalaan ang pagpapagamot sa mga mabibiktima ng paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon kay Health Undersecretary Gerardo Bayugo, naglaan ng pondo ang DoH para magamit sa pagpapagamot ng mga mapuputukan sa tradisyunal na pagsalubong sa Bagong Taon sa Disyembre 31. Maaari rin naman aniyang gamitin ang PhilHealth sa mga bayarin ng mapuputukan na magpapagamot sa pampubliko o pribadong ospital.

Sakali namang kulangin ang PhilHealth coverage ng pasyente, handa ang DoH na bayaran ang balanse sa halaga ng pagpapagamot.

Nilinaw din ni Bayugo na may polisiyang “no balance billing” ang DoH sa mga ospital.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa kabila naman nito, patuloy pa rin ang panawagan ng DoH sa publiko na tigilan na ang pagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon upang makaiwas sa disgrasya, tulad nang pagkabulag, pagkaputol ng mga bahagi ng katawan, o kamatayan.

Sa pagsalubong sa 2017, nasa 630 nasugatan dahil sa paputok. - Mary Ann Santiago