Cleveland Cavaliers forward LeBron James' shoes are emblazoned with

WASHINGTON (AP) — May halong pulitika ang palabas ni LeBron James nang magpalit siya ng sapatos – isang puti at isang itim – na may nakalimbag na salitang ‘EQUALITY’.

Ngunit, pabirong sinabi ng tinaguriang ‘D King’ na paraan lamang niya ito para maipagpag ang masamang laro, na kaagad namang sinalungat ng kasanggang si Kevin Love.

“If that’s a bad game,” sambit ni Love, “then sheesh!”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tumapos si James na may 20 puntos, 15 assists at 12 rebounds para sandigan ang Cleveland Cavaliers kontra Washington Wizards, 106-99, nitong Linggo (Lunes sa Manila) para sa ika-18 panalo sa huling 19 laro ng Cavs.

Kalaunan, iginiit ni James na ang kanyang aksiyon ay batay sa larong pilit na isinusulong ni Pangulong Donald Trump sa White House.

“This is a beautiful country and we’re never going to let one person dictate how beautiful and how powerful we are,” pahayag ng four-time NBA MVP.

Naitala ni James ang ikaapat na triple-double sa nakalipas na limang laro at ika-61 sa kabuuan ng career.

“I actually played pretty bad tonight. I wasn’t as strong with the ball: I had six turnovers. Kind of lazy with the ball, at times,”pahayag ni James. “And my teammates did a great job bailing me out.”

Nanguna si Love sa Cleveland sa nakubrang 25 puntos, at siyam na rebounds, habang kumubra sina Jeff Green at Kyle Korver ng 15 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Hataw si Bradley Beal sa Washington sa nailistang 27 punto, habang kumana si John Wall ng 15 puntos, 10 rebounds at anim na assists.

PACERS 109, NETS 97

Sa New York, winasak ng Indiana Pacers, sa pangunguna nina Victor Oladipo at Domantas Sabonis na umiskor ng 26 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod, ang Brooklyn Nets.

Nag-ambag si Myles Turner ng 16 puntos, habang kumubra sina Cory Joseph at Darren Collison ng tig-15 puntos.

Abante ang Pacers ng 14 puntos may 7:08 ang nalalabi sa fourth quarter, bago kumana sina Rondae Hollis-Jefferson at LeVert sa 6-0 run at mailapit ang Nets sa 94-86.

Ngunit, bumuwelta ang Pacers ng walong sunod na puntos, tampok ang basket ni Joseph na naging dahilan nang pag-markulyo ay pagka-technical ni Nets coach Kenny Atkinson.

RAPTORS 108, KINGS 93

Sa Toronto, hataw si DeMar DeRozan sa naiskor na 21 puntos at tumipa si Jonas Valanciunas ng 13 puntos at season-high 16 rebounds sa panalo ng Toronto Raptors kontra Sacramento Kings.

Ratsada si Kyle Lowry sa naisubing 16 puntos at kumana si Norman Powell ng 14 puntos para sa ikasiyam na sunod na panalo ng Raptors, tangan ang NBA-best 11-1 karta sa home game.

Nanguna sa Kings sina Bogdan Bogdanovic at Garrett Temple na kapawa umiskor ng 18 puntos, at nag-ambag si George Hill ng 16 puntos.

PISTONS 114, MAGIC 110

Sa Detroit, nailista ni Reggie Bullock ang career-high 20 puntos para sandigan ang Pistons sa panalo at pantayan ang franchise record na 17 three-pointers.

Nanguna s Nikola Vucevic sa magic sa naiskor na 24 puntos, 14 rebounds at pitong assists para sa Magic.