Umaasa si Senador Grace Poe na magkakasundo ang administrasyong Duterte at jeepney drivers at operators sa uubrang alternatibo sa pagpapatupad ng gobyerno ng ambisyosong plano sa jeepney modernization.

“We will allow them to meet tomorrow, (Disyembre 11). We will let them speak out whatever they want to say so as to avert another strike,” ani Poe sa panayam ng radyo DZBB kakahpon.

Sinabi ni Poe, chair ng Senate Committee on Public Services, na inaasahan niyang dadalo sa pagdinig ang lahat ng mga inimbitahan, lalo na si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTO), taxi operators, at jeepney manufacturers.

Inilahad ni Poe na maging siya ay duda kung talagang maipatutupad ng pamahalaan ang epektibong jeepney modernization program sa 2018 dahil mayroong halos 234,000 hanggang 274,000 jeepney ang kailangang papalitan sa susunod na taon. - Hannah L. Torregoza

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'