NARINDI sa suntok ni Lomachenko (kaliwa) ang kapwa Olympic champion na si Rigondeaux.  (AP
NARINDI sa suntok ni Lomachenko (kaliwa) ang kapwa Olympic champion na si Rigondeaux. (AP

NEW YORK (AP) — Hindi lamang basta tinatalo ni Vasyl Lomachenko ang mahuhusay na fighter. Nagagawa niyang pasukuin ang pinakamatibay na karibal, maging ang isang tulad ni Guillermo Rigondeaux.

“I guess I should change my name now to NoMaschenko,” pabirong pahayag ni Lomachenko sa post-fight interview.

Napanatili ni Lomachenko ang walang gurlis na marka nitong Sabado (Linggo sa Manila) ang hilingin ng kampo ng matikas at wala ring tatlong si Rigondeaux na itigil ang laban sa ikaanim na round bunsod nang pananakit sa kaliwang kamay ng Cuban.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa duwelo ng dalawang Olympic champion at walang talong fighters, nangibabaw ang kagitingan ni Lomachenko.

Ayon sa promoter na si Dino Duva, nagsimula ang pananakit sa kamay ni Rigondeaux sa ikalawang round at nagpatuloy ito sa sumunod na mga round. Ayon kay Duva, posibleng nabasag ang buto sa kamay ng 2000 at 2004 Olympic gold medalist. Kaagad siyang dinala sa ospital para isailalim sa X-rays.

Sinabi ni Duva na natamo ni Rigondeaux ang injury sa suntok na naipatama kay Lomachenko. Ngunit, iba ang mensahe ni Bob Arum, promoter ni Lomanchenko.

“Where did he hurt his hand, in the dressing room?” pahayag ni Arum.

Naitala ni Lomachenko (10-1, 8 KOs) ang ikapitong sunod na panalo via stoppage at naidepensa ang WBO 130-pound title. Ito ang ikaapat na sunod na laban na natapos ang duwelo na napasuko niya ang mga karibal.

Natamo ni Rigondeaux ang unang kabiguan sa 18 pro fights at pinaliguan siya ng ‘booed’ ng crowd na nadismaya sa kinalabasan ng laban.

Ngunit, malinaw na nadomina ng 2008 at 2012 Olympic gold medalist ang 37-anyos na si Rigondeaux, ang 122-pound champion na nagdesisyon na umakyat ng timbang para sa makasaysayang duwelo kay Lomachenko.

“I adjusted to his style, low blows and all,” sambit ni Lomachenko.

Abante siya sa 59-54 sa iskor ng dalawang hurado at 60-53 sa ikatlo bago itinigil ang laban.

“I’m going to come back and fight against anybody because there are no excuses,” sambit ni Rigondeaux.