Ni Leonel M. Abasola

Nagkasundo ang Commission on Human Rights (CHR) at ang National Press Club (NPC) na isulong ang promosyon ng karapatang-pantao.

Sa kanilang memorandum of agreement, na nilagdaan ni CHR Chairman Jose Luis Gascon at ni NPC President Paul Gutierrez, magkakaroon ng mga pagsasanay ang mga miyembro ng NPC at ilang mamamahayag upang matiyak na walang maaapakang karapatan sa paghahatid ng balita.

Ang naturang kasunduan ay bunga ng isang pulong ng CHR at ilang stakeholders, kabilang si NPC Director at Press Freedom Committee co-Chairperson Boying Abasola na siyang nagpanukala na kailangan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng CHR at ng NPC para na rin sa kapakanan ng mga mamamahayag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iminungkahi ni Abasola na gawin ang mga pagsasanay sa buong bansa kung saan iimbitahan din ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nooong Disyembre 2, isinagawa ang unang pasasanay sa Malolos Bulacan na dinaluhan ng mga opisyal ng NPC, Bulacan Press Corps at ng mga miyembro ng Bulacan PNP.

“Recognizing the importance of the role of media professionals and journalists in the promotion and protection of human rights, the Project and its training program were developed in line with Phase 3 of the World Programme for Human Rights Education (WPHRE) under the United Nations. It is aimed at the education on human rights of media professionals and journalists and the strengthening of Human Rights Education for basic and higher education and security forces.” nakasaad sa memorandum.