Ni Beth Camia

Kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang paghahain ng Department of Justice (DoJ) ng petisyon sa Manila Regional Trial Court sa susunod na linggo, upang kilalanin ang Communist Part of the Philippines (CPP) at ang New People’s Army (NPA) bilang terrorist organization.

Sa isang panayam, sinabi ni Aguirre na inihahanda na niya ang kautusan para sa pagsasampa ng petisyon.

“I will issue a Department Order directing the OIC Prosecutor General of the National Prosecution Service to form a team to draft and file a petition before the RTC praying to grant the petition to declare the CPP-NPA as a terrorist organization,” pahayag ni Aguirre.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“I hope to file this on Monday, December 11 or even earlier,” dagdag pa ng kalihim.

Una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na nagdedeklara sa CPP-NPA bilang terrorist organization at iniutos din ang paghahain ng petisyon sa Manila RTC na ituring ang CPP-NPA bilang terrorist group, alinsunod sa RA 10168 o Human Security Act of 2007.

Kabilang ang CPP-NPA sa listahan ng US ng foreign terrorist organizations simula noong 2002.