Sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi kilala ni Pope Francis ang tunay na karakter ni Sen. Leila De Lima.

Ang pahayag ni Roque ay tila depensa sa biro ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpadala ng Papa ng “beautiful rosary” kay De Lima.

“He (Duterte) thinks that De Lima is not a prisoner of conscience,” saad sa text message ni Roque sa mga mamamahayag.

Nitong Martes, kinantiyawan ni Duterte ang pagpadala ng Papa ng rosaryo sa lady senator na nakadetine sa Camp Crame dahil sa diumano’y kaugnayan sa illegal drugs trade.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Hindi man binanggit ng Pangulo ang pangalan ni De Lima sa kanyang talumpati, tinukoy niya ang isang tao na ipinagmamalaki ang rosaryong ipinadala ng Papa.

“Wala sila…pagkatapos ng meeting dito… tapos yung isa… gi-bigyan pa ni…nagpahambog na bigyan ng rosary ni Pope. Sus, si Pope naman, uy,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Anti Corruption Summit sa Pasay City.

Naglabas ng pahayag si De Lima noong Linggo, na ibinabahagi na nakatanggap siya ng rosaryo matapos lumiham sa Papa tatlong buwan na ang nakalipas upang humiling ng dasal nito para sa sarili at para sa lahat ng mga biktima ng extrajudicial killings.

Binanggit pa ni Duterte sa kanyang talumpati ang diumano’y sex video ni De Lima: “Hanapan mo nga ako ng video noong ano, ipakita ko kay Pope.” ‘Yan ang… o magtingin pa si Pope, baka mag-alis sa pagka-pope ‘yan.”

Kumalat ang nasabing video sa kainitan ng imbestigasyon ng Kongreso sa Bilibid drug trade noong nakaraang taon.

Kinutya rin ng Pangulo ang pahayag ni De Lima na siya ay “prisoner of conscience.” - Roy C. Mabasa