Isang major revamp ang gagawin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang harapin ang mga ulat ng illegal recruitment at iba pang mga anomalya na kinasasangkutan ng mga opisyal at tauhan ng ahensiya.
Ayon kay Undersecretary Dominador Say, sinisiyasat ng POEA ang mga ulat ng illegal recruitment ng mga nambibiktima ng mga overseas Filipino worker (OFW), kabilang ang direct hire workers.
“Last January, nagkaroon ng reshuffle sa mga senior officials sa POEA. But now, this is a more in-depth reshuffling and revamp. We are doing this top to bottom and there will be some officials who will be removed from their posts while they undergo investigation,” ani Say.
Ang lahat ng security guard at janitorial staff ng POEA ay papalitan din, dahil karamihan sa mga ito ay ginagamit umano sa mga maanomalyang gawain. - Mina Navarro