Ni: Marivic Awitan

HIRAP ilarawan ng kanyang apat na puntos na produksiyon sa huling laro niya para sa Far Eastern University ang matinding paghahangad ni Ron Dennison na gabayan ang FEU Tamaraws sa krusyal na laban sa Ateneo.

Ngunit, mula sa isang malaking katanungan kung aabot sila sa Final Four hanggang sa muntik ng pag-upset nila sa elimination topnotcher Ateneo para sa huling finals berth, malaking bahagi sa inabot ng Tams ang Cebuano guard.

Maraming pumuna at bumatikos makaraang masangkot sa pretty season fracas nila ng De La Salle sa isang torneo sa Davao, para kay Racela si Dennison ang malinaw na patunay sa naging malaking improvement at pag-angat ng laro ng Tamaraws sa kabila ng pagkawala ng kanilang mga key players na sina Mike Tolomia, Reymar Jose, Russel Escoto at RR Pogoy.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“He has a bright future ahead of him, like I said, a very good role player. Marami[ng teams] mag-iinterest dito kay Ron,” ani Racela.

Hindi lamang ang kanyang team ang nakapuna at nagbigay ng kaukulang pagkilala kay Dennison.

Sa pagtatapos ng laban nila ng Blue Eagles, nilapitan siya ni Ateneo coach Tab Baldwin at pinuri.

“Sinabi niya sa akin na I have a bright future daw. Sobrang ganda daw ng season ko this year,” ani Dennison.

Para naman kay Racela, ipinagmamalaki nya ang ipinakitang effort ng Tamaraws sa pagtatapos ng kanilang season.

“We were one stop away from making it to the finals. But still, the loss doesn’t define us. I’m still proud of the way we grew this season.”