Ni: Roy C. Mabasa

Tatanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahit anong panawagan na magbitiw sa puwesto si Transportation Secretary Arturo Tugade, dahil sa umano’y pagkabigo ng kalihim na maresolba ang mga aberya sa Metro Manila Transit (MRT)-Line 3.

“I would be resisting the call or if you want to put it in another—I will decline the request,” sinabi ng Pangulo sa mga mamamahayag sa pagtitipon ng League of Cities of the Philippines nitong Martes ng gabi.

Nagpahayag ang Pangulo ng buong pagtitiwala at kumpiyansa kay Tugade na sinabi niyang “can correct the mistakes there, if there are, and fix it.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bukod diyan, sinabi niya na ang problema ay palaging nariyan, binanggit ang Murphy’s Law na, “if anything can go wrong, it will go wrong.”

“And it can happen everyday to anybody,” sabi ng Pangulo.

Una nang idinipensa ng Malacañang si Tugade mula sa mga panawagan magbitiw sa puwesto dahil sa sunud-sunod na aberya ng MRT.