TUMULAK kahapon patungong Haneda, Japan ang National basketball team Gilas Pilipinas para sa pagsisimula ng kanilang home-and-away campaign sa Fiba World Cup Qualifiers Asia sa Huwebes.

Ganap na 8:55 ng umaga lumulan ng eroplano patungong Japan ang 15-man Gilas squad na pinangungunahan nina reigning PBA 4-time MVP Junemar Fajardo at 2-time Asia’s best guard Jayson Castro at ang naturalized center na si Andray Blatche.

Hanggang ngayong araw na ito ang pagkakataon ni national coach Chot Reyes upang pangalanan ang final 12 na bubuo sa kanyang koponang sasabak kontra Team Nippon na pangungunahan ng kanilang naturalized player, ang 6-foot-5 guard na si Ira Brown, at 6-foot-10 center na si Jojie Takeuchi.

May ilang beses na ring namayani ang Gilas kontra Japan sa mga nakalipas na FIBA tournaments kaya naman inaasahang makakayang burahin ng mga Filipino ang tinatawag na home court advantage ng karibal.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tanging si Terrence Romeo (injury) ang hindi nakasama sa koponan na binubuo nina Carl Bryan Cruz, Troy Rosario, Raymond Almazan,Gabe Norwood, Calvin Abueva, Japeth Aguilar at Mac Belo at mga shooters na sina Matthew Wright, RR Pogoy at Allein Maliksi

Pagkatapos ng laban kontra Japan, susunod na makakalaban ng Gilas ang Chinese Taipei sa Araneta Coliseum sa Nobyembre 27. - Marivic Awitan