Ni: Bert de Guzman

MAGANDA ang allegory ni Chinese Premier Li Keqiang tungkol sa umiinit na relasyon ngayon ng Pilipinas at ng China na nanlamig noong panahon ni exPres. Noynoy Aquino. Sa kanyang remarks matapos makipag-usap kay Pres. Rodrigo Roa Duterte, sinabi ni Li na ang ugnayan ngayon ng China at ng Pilipinas ay kasing-init ng Manila weather. Sana raw ay wala nang taglamig o winter na sisira sa umuusbong na relasyon ng ‘Pinas at ng China.

Sa komento at pagpuri sa umiinit na ugnayan ng dalawang bansa, ganito ang kanyang pahayag: “Winter has come to the Northern Hemisphere but the temperature in Manila is still running pretty high.” Ganito rin daw ang repleksiyon ng temperature ng PH-China relations bunsod ng positive improvement ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa nina Xi Jinping at Rodrigo Duterte.

Hindi raw pinansin ng lider ng European Union ang isyu hinggil sa extrajudicial killings nang magkausap sina PRRD at European Council President Donald Tusk sa Association of Southeast Nations-European Union summit meeting. Ayon kay Mano Digong, siya mismo ang nagpasimula sa topic o usapan sa EJK. “Hindi siya interesado”.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ikinalulungkot umano ni Pres. Rody na ang mga kritiko sa kanyang war on drugs ay nagpo-focus lang masyado sa mga pagpatay sa drug pushers at users, pero hindi pinapansin o pinupuna ang negatibong epekto ng drug addiction.

Si Christoper Go aka Bong Go, special assistant ni PDu30 na laging nasa likod ng Pangulo, ay itinuturing na “national photo bomber.” Ngayon, siya ay naging “selfie king” dahil halos ng world leaders at mga lider ng ASEAN ay kanyang naka-selfie. Tinawag siya ng Washington Post bilang “Selfie King” samantalang inilarawan siya ng Auistralia’s Sunday Morning Herald bilang “Ph gov’t official who can’t help taking a selfie.”

Kabilang sa naka-selfie niya sina US Pres. Donald Trump, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, South Korean Pres. Moon Jae-in, Chinese Premier Li Keqiang, Russian Prime Minister Dmitry Medvedev, Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull.

Talagang nagiging kaibigan na uli ng PH ang US matapos “manlamig” ito noong panahon ni Noy, este PNoy. Nangako si Pres. Trump ng $16.3 million para sa pagsugpo sa illegal drugs sa ‘Pinas at ayuda sa rehabilitasyon at pagbangon ng Marawi City na sinalakay ng teroristang Maute Group noong Mayo 23.

Sa ligawan at estratehiya, magaling ang ating Pangulo. Nasilo niya sina Chinese Pres. Xi Jinping, Russian Pres. Vladimir Putin at US Pres. Donald Trump. Kumbaga naman sa isang “pakipot” na dalaga, tatlong makikisig na binata ang nangingibig sa kanya ngayon. Eh, papaano si Canadian Prime Minister Justin Trudeau, ang napakapoging lider ng Canada?